• Naturewell

20 Tips Para Mapabuti Ang Iyong Kalusugan at Pangangatawan

20 Tips For Improving Your Health And Fitness

Dito sa Naturewell Juice Bar LA, alok namin ang malawak napagpipilian ng de-kalidad na smoothies at pinakamainam na cold press juice sa LA. Pinahahalagahan namin ang lahat ng patungkol sa kalusugan, at naniniwala kaming ang maliliit na hakbang sa pagbabago ng iyong diet at rehimen sa page-ehersisyo ay may maidudulot na malaking pagbabago sa iyong kalusugan.

Tingnan ang aming top 20 tips kung paano mapapabuti ang iyong kalusugan

1. Bawasan ang pag-inom ng mga matatamis na inumin kabilang ang sport drinks at juices, at sa halip ay piliin ang mas masusustansyang inumin gaya ng tubig o gatas.

2. Sundin ang payo ng World Health Organization na kumain nang hindi bababa sa limang bahagi ng mga prutas at gulay araw-araw.

3. Ang pagpapanatiling hydrated ng ating katawan ay dapat prayoridad sa malusog na pamumuhay. Kung hirap kang uminom ng purong tubig, maaari mo itong dagdagan ng lemon o lime para magkalasa.

5. Ang fiber mula sa whole grains ay makatutulong na mapababa ang kolesterol at mas masustansya kaysa sa processed grains.

6. Siguraduhing ang iyong kinakain ay nagiiba-iba at mayroong sangkap mula sa lahat ng grupo ng pagkain, kabilang ang carbohydrates na hindi hihigit sa 100 gramo kung nais magbawas ng timbang.

8. Panatilihing masarap at puno sa nutrisyon ang iyong gulay sa pamamagitan nang marahang pagpapasingaw rito kaysa sa paglalaga nito.

7. Magbawas sa pagkain ng mga processed food gaya ng cakes, chips, at cereals dahil puno ito ng sugar at fat.

8.Uminom nang hindi bababa sa 2 litro ng tubig araw-araw.

9. Huwag piliin ang iyong paboritong putahe sa iyong paboritong kainan. Maraming lugar ang mayroong masusustansyang pagkaing maaari mong mapagpilian. Ang Naturewell Juice Bar LA ay may malawak na pagpipilian ng mga low-calorie na pagkain.

10. Tuwing nasa restawran, humingi ng dagdag na gulay sa iyong pagkain o dagdag na bahagi ng prutas at gulay sa iyong smoothie.

11. Mag-ehersisyo nang walang laman ang tiyan. Maraming pag-aaral ang nagpatunay na higit itong nakakatunaw ng 20-30 porsyento ng taba.

12. Kung nahihirapan kang makuha ang inirekomenda sa iyong daily allowance ng bitamina mula sa iyong kinakain, uminom ng multi-vitamin araw-araw o, mas mainam, subukang mag-smoothie!

13. Unti-unting bawasan ang asukal sa iyong tsaa o kape – ang iyong panlasa ay masasanay rin pagtagal.

14. Tiyaking mayroon kang 7-8 oras ng tulog gabi-gabi.

15. Magtalaga ng wellness diary – markahan ang iyong kondisyon at pangkalahatang kalusugan bawat araw. Kung hindi ka nakasunod sa plano, itala ang iyong naramdaman gayundin kapag nasusunod mo ito.

16. Lumabas ng opisina para lumanghap ng sariwang hangin sa oras ng tanghalian. Maging ang bahagyang paglalakad ay magdudulot ng mabuti sa iyo.

17. Bawasan ang pag-inom ng kape at piliin na lamang na inumin ang herbal tea.

18. Matutong tanggapin ang pagbabago kaysa damdamin ang mga bagay na wala sa iyong control.

19. Gumawa ng bagay na makapagpapatawa sa iyo kahit isang beses sa isang araw.

20. Sa halip na manood ng telebisyon, higit na pagtuunan ng pansin ang iyong buhay.


We all make mistakes!


The Naturewell team have endeavored to translate our menus and blogs as accurately as we can. If you think that we have got things a bit wrong please let us know. We want to speak your language as we are sure you will love our range of natural juices and smoothies.


Disclaimer

Naturewell Juice Bar understands the importance of your health and well being, which is why we are a brand that you can trust. While we are awesome at creating natural and healthy fruit and vegetable based recipes, we are not health experts.

 

The information that we share on our blogs, websites, social media in person or any other content / source is based on our own personal experiences and research carried out by those in the health and well being industry. We refer to the FDA and the USA Department of Health and Human Services for guidelines.

 

Any information, recommendations, suggestions, testimonials, or advice that we offer regarding diet, nutrition, exercise, supplements, and lifestyle should be discussed with your doctor or a qualified health professional. Any changes to your lifestyle may involve taking risks so it is important to understand that the information you receive on our website, social media in person or any other source, and from our product descriptions do not take the place of official medical advice.

  • Naturewell YouTube
  • Naturewell Facebook
  • Naturewell Instagram