• Naturewell

Pagbabawas ng Stress sa Pamamagitan ng Diet at Ehersisyo

Reducing Stress Through Diet And Exercise

Kung nakararamdam ka ng pagka-stress o sobrang pagod at tila hindi ka na makawala sa isang kinaugaliang pamamaraan, mainam na pag-isipan mo ang iyong pangaraw-araw na gawain. Makatutulong ang sapat na tulog, regular na ehersisyo at masustansyang diet para mapabuti ang iyong kondisyon. Ang Naturewell Juice Bar ay naghahain ng pinakamainam na smoothies sa LA na makatutulong magbigay ng lakas, kalmadong isip, at maayos na tulog.

Sapat na Tulog at Ehersisyo

Ang tulog at ehersisyo ay mahalaga para mapanatiling maayos ang kalusugang pangkaisipan, kung saan maraming mga doctor ang ‘nagre-reseta’ ng ehersisyo bilang hakbang para makabawi mula sa stress at pagkabalisa.

Ang paliligo at pagpapamasahe ay maaaring makatulong sa ilan, simpleng pag-amoy naman ng lavender ang epektibo sa iba, pero ang isang bagay na tiyak na maaasahan ng lahat para malabanan ang stress ay ang ehersisyo.

Hindi mo kailangan ng matinding uri ng sports o bumisita pa ng gym araw-araw, kailangan mo lamang hanapin ang antas ng ehersisyong angkop sa iyo at sa iyong katawan.Ang isang personal trainer o gym instructor ay may kakayanang suriin ang iyong kasalukyang antas at magpatupad ng mga ligtas at makatotohanang layunin para mas maiangat pa ang iyong routine sa page-ehersisyo.

Palakasin ang Iyong Katawan

Maaaring binabasa mo ito at iniisip kung “paano ako mag-e-exercise kung pagod ako?” bagay na ilang libong beses ko na ring tinanong. Ang katotohanan ay, kung mas madalas kang mage-ehersisyo, mas sisigla ka at mas gaganahang kumilos. Kailangan mo lamang itong pagsikapan sa simula pero siguradong mararamdaman mo rin ang pangmatagalang benepisyo nito sa sandaling makatulog ka na muli nang mahimbing na parang sanggol.

Ang Naturewell Juice Bar LA ay may maraming pagpipiliang smoothies at cold press juices na makapagbibigay ng lakas na iyong kailangan bago mag-workout. Ayon sa ilang kustomer, ang protein smoothie ang pinakamainam na smoothie sa LA, at sang-ayon kami sa kanila!


We all make mistakes!


The Naturewell team have endeavored to translate our menus and blogs as accurately as we can. If you think that we have got things a bit wrong please let us know. We want to speak your language as we are sure you will love our range of natural juices and smoothies.


Disclaimer

Naturewell Juice Bar understands the importance of your health and well being, which is why we are a brand that you can trust. While we are awesome at creating natural and healthy fruit and vegetable based recipes, we are not health experts.

 

The information that we share on our blogs, websites, social media in person or any other content / source is based on our own personal experiences and research carried out by those in the health and well being industry. We refer to the FDA and the USA Department of Health and Human Services for guidelines.

 

Any information, recommendations, suggestions, testimonials, or advice that we offer regarding diet, nutrition, exercise, supplements, and lifestyle should be discussed with your doctor or a qualified health professional. Any changes to your lifestyle may involve taking risks so it is important to understand that the information you receive on our website, social media in person or any other source, and from our product descriptions do not take the place of official medical advice.

  • Naturewell YouTube
  • Naturewell Facebook
  • Naturewell Instagram